Para sa akin ang boung Luzon ay Manila. Ang Quezon City ay Manila City, pati ang Cavite ay Manila, Bulacan ay Manila, lahat na lang Manila.
Kaya gusto ko talaga makapunta sa Manila City, Metro Manila ng matukoy ko kung ano talaga ito. Kaya ng sinabi ni Karla na magpunta sya sa National Library para sa ISBN ng Pansitpoetry (Orders & Inquiries for Pansitpoetry book: email kquimsing@gmail.com / msg @damgocebu over IG, also available at Kapehan Ceferina in Cabancalan, Mandaue.), dali-dali akong sinabi na sasama ako. Sumakay kami sa sakyanan ng Tita ni Karla kaya medyo sosyal ang pag-lilibang namin.
At saka excited din ako makakita ng napakalaking aklatan. Gustong gusto ko talaga magpalarawan na ang background ay "bookshelves" para sabihing "intellectual at cultured."
Kaya lang "under renovation" pala ang National Library. Kaya walang "intellectual cultured fashion blogger" photoshoot na nangyari.
Kung ito makikita mong status ng mga aklat doon, parang "let's offer a moment of silence for the death of Pinoy brains" ang feeling ko kaysa mag #fashionblogger pose.
Medyo malungkot noh? Medyo mahiya naman ako, hanep kaka selfie sa mga malls pero "library" natin waley. @.@ #priorities
Pero "on the bright side," ito ang pag-asa ng ating literatura! Ang mga "writer" na nagpupursige sumulat kahit medyo pahirapan ang pag-publish.
(Karla with Nat'l Library staff.)
Para ituloy ang cultural exposure namin, pumunta kami sa Intramuros. Sumakay kami ng karwahi na may kabayo. P50 taga tao ang plete, at may P75/head na entrance sa Intramuros, then P10/head kung gusto mo pumasok sa Rizal Museum.
Seguro mas aliw kon may "tour guide" kami para ma appreciate ko ng husto ang "historical value" ng lugar.
Ang pinaka highlight para sa akin ay ang makita ko ang napakalumang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo." Parang sulat-kamay pa ang mga kopya nila. Seguro hindi lang ako nakabasa ng maraming aklat ng mga Pinoy authors, feeling ko kasi ang mga aklat lang ni Rizal ang masabi ko na "truly intellectual" na pagkasulat.
Pagbalik namin sa BGC ay na experience naman namin ang cultural phenomenon na EDSA traffic. Nakakainis pero "deep inside" nasisyahan ako kasi nasinati ko ang isang "most talked about attraction" sa lahat ng media. Pero hindi talaga sya masaya lalo Na ng naiihi si Mayang. Nasaisip ko ibigay ko kaya ang kopya ng Pansitpoetry ko kay Mayang para doon sya mag-ihi. Pero malaking Congratulations sa kaniya kasi nakaabot pa talaga ang wee-wee nya sa BGC.
At iyon, sa Biyernes ng April 8, 2016, the day before Araw ng Kagitingan, nakapunta na talaga ako sa Manila City!
Iba pang maraming larawan kuha sa Day 2:
Noong nag "jogging" kami sa umaga:
No comments:
Post a Comment