Pagkatapos naming mag-ikot sa BGC sa pinaka unang panahon, umakyat kami pabalik sa condo unit pero wala kaming dalang foods. Hubad ako para magbihis ng tumunog ang "fire alarm."
Shempre tumingkag ang dunggan ko. Pero di muna kami umimik kasi baka false alarm. Pero nag alarm ulit, at ng ulit at hindi na sya natapos. Tiempo din na may ambulansya or patrol na nag sirena dumaan sa ibaba
Tumingkag na ang buhok sa boung katawan ko. Dali-dali kong sinaplutan ang hubad na katawan ko, kinuha ang backpack at lumabas. Iniwan ko na ang maleta ng #OOTD ko. Tumungo na ako sa fire exit, at handa na akong lumipad from 38th floor patungong ibaba pero napa hinto ako kasi wala pa si mark. Bumalik ako dahil paano ang aking "buhay" kung wala si mark.
Sabi niya na mag elevator lang kami. Ayoko kasi baka ma trapped kami. Pero sabi nagpilit sya kaya doon elevator kami.
Bihirang elevator ito, pumunta pa sa itaas para magkuha ng sasakay. #huhubels Medyo na kalma ako ng ang mga sumakay ay relaks lang, parang wala lang nangyari. At sabi nila, parang wala naman sunog. Kaso lang ang fire alarm hindi pa rin huminto sa kaka-alarm.
Para na akong mamatay sa takot pero yung mga trabahante parang wala lang. ANO BA ITO? JOKE BA ITO?!?
Ang dami kong "sigh of relief" ng kinumpirma ng mga security at receptionists na walang sunog.
At iyon ang "welcome with a bang" sa pagdating ko sa BGC. Ano ba naman?!? Ngayon nga lang ako maka experience ng "high life," ginanito pa ako. Parang ayaw ni "high life" sa akin.
Napatanto ako, hindi pala ganoon kadali ang high life aka magtira sa mataas na gusali. Parang gusto kong bumili ng parachute bago babalik sa 38th floor para kung may sunog o lindol, tatalon na lang ako gamit parachute.
So that pretty sums up my Day 1 in BGC, Taguig, Metro Manila.
Iba pang mga larawan sa Day 1:
First time kong nakasakay ng 2-aisle na eroplano! Hanglaki!
Nagsimula kami sa paglibot ng BGC sa pagkaing ng ramen sa Ramen Nagi. Ang sarap pero ang laki ng ramen parang gusto ko uli kumain sa 2017 na!
Ito litrato ko sa SM Aura.
Orders & Inquiries for Pansitpoetry book: email kquimsing@gmail.com / msg @damgocebu over IG.
Nagshopping ako sa Market Market, katabing mall sa SM Aura. Pero hindi "succulents" ang binili. Mga bato-bato na bracelets ang binili ko.
Nag kape kami sa Cafe de Lipa. Parang ito ata ang pinaka barato na kapehan na pasukan namin sa boung "stay" namon.
(Ang mga bato sa kamay ko ang na shopping ko pala.)
Nag ikot pa kami more. Medyo napagod ako kaya posing muna ako. Sa Serendra ito, sa banda na nabalita noon na bumoto. Kaya super sensitive ng fire alarm nila.
Sa gabi, nagkita kami lahat except Stacey at nagkain doon sa Yabu dahil sabi daw ni Poy. Melts in your mouth ang pork chop nila. Pero dahil Japanese food, Katsudon ang tawag sa pork chop.
Japanese food lang ang peg ng araw kong ito.
(Hindi kami iyan. Wala akong photo dito aa celphone ko.)
Parang Louvre(sp?) lang.
Tumambay kami sa Fullybooked kasi we're so learned and intellectual. Ang swerte ko nakakuha ng last copy nila ng "Pour your heart into it." Hindi ko na makita ang lumang copy namin kaya ang saya ko ng makakita ng kopya uli. I love this book hindi dahil gusto ko ng kape (I read it before I was a #coffeesnob.) pero magandan talaga ang story ni Howard Schultz ng sinimulan nya ang Starbucks.
Pero super saya ko at LAKING GULAT KO NG MAKITA NAMIN ANG PANSITPOETRY ni Karla Quimsing na naka display sa Fullybooked!
Sa mga naghahanap ng Pansitypoetry copy, detalye sa ibaba kung paano makakuha ng kopya:--------------------
No comments:
Post a Comment